Eyes Lyrics
Search   
Your guide to everything about lyrics online, over 700,000 songs archived.
Artist names starting with:   0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Lyrics

Ngayon Lyrics @ NitroLyrics.com

Ngayon Lyrics

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay,
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago it ay maging kahapon(kahapon)
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon(ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon,
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram(sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit(kapit)
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit(ooh)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)

All lyrics contained within eyeslyrics.com are subject to US Copyright Laws and are property of their respective authors, artists and labels.
All song lyrics provided strictly for educational purposes.